Learn More

About

Ang Back2Basics YoYo International ay isang long-term online yoyo contest para sa lahat ng players, kasama ang international yoyo players. Layunin ng contest na dumaan sa fundamental o basic yoyo tricks ang mga players bago sila gumawa at sumali sa isang freestyle yoyo contest.

Ang contest ay gaganapin online sa pamamagitan ng video submission. Ang contest na ito ay LIBRE. Hinihikayat ng organizers na sumali ang lahat, mula old school yoyo player hanggang new generation yoyo player.

Gaganapin ang Back2Basics YoYo Challenge PH simula February hanggang September 2021. Magkakaroon ng Freestyle Challenge Livestream Event via YouTube sa October 23, 2021.

Mayroong naghihintay na cash, yoyo products, apparel at ibang prize sa mga mananalo sa contest.

Maghanda na at magpractice ng basic yoyo skills para mapabilang sa magiging Back2Basics YoYo Challenge Champion!

Basic to Hyper Level Challenge

Freestyle Challenge

Basic to Hyper Level
YoYo Challenge Rules

1. Mag shoot ng video na ginagawa ng tama ang Basic Level, Super Level at Hyper Level tricks. Kailangan RESPONSIVE YOYO ANG GAMITIN sa Basic to Hyper Level tricks. BAWAL ANG BIND RETURN. BAWAL ANG ADJUSTABLE GAP YOYO.

2. Kailangan SAME YOYO ANG GAMITIN SA BAWAT TRICK, MALIBAN SA / EXCEPT SA LOOP THE LOOP (3x, 10x at 30x), 3 LEAF CLOVER at DOUBLE LOOP. Pwede lang magpalit ng yoyo para sa tricks na nabanggit sa itaas.

3. May point system ang bawat trick sa bawat level. Basahin mabuti ang point system sa ibaba.

5 POINTS - perfect ang trick after one (1) attempt
3 POINTS - perfect ang trick after two (2) attempts
1 POINT - perfect ang trick after three (3) attempts

4. ONE (1) POINT ANG IBIBIGAY sa player KUNG MALI ANG TRICK SA FIRST TRY PERO NAG PROCEED KAAGAD SA NEXT TRICK ang player.

5. Sa pag shoot ng video, MAG LAGAY NG TRICK AREA o TRICK BOX KUNG SAAN GAGAWIN NG PLAYER ANG BAWAT TRICK. Kapag umapak na sa trick area o trick box ang player, kailangang gawin na ang trick. Bawal ang mag test throw kapag nasa loob na ng trick area o trick box. Maaari lang mag test throw / throw down sa labas ng trick area o trick box.

6. Kung hindi pa din nagawa perfectly ang trick pagkatapos ng tatlong (3) attempts, zero (0) or walang point na ibibigay para sa trick. Mag move na sa susunod na trick pagkatapos ng maximum na tatlong (3) maling attempt.

7. Sa pag gawa ng video habang ginagawa ang bawat trick, kailangan continuous o isang diretsong take o shot ang video. BAWAL ANG PAG EDIT O CUT NG VIDEO sa pag gawa ng trick sa bawat level.

8. Kailangan sundan ang video title format sa ibaba.

LEVEL - PLAYER NAME (Halimbawa: BASIC LEVEL - SEITO HOJOIN)

9. ANG PAG REGISTER AT PAG SUBMIT NG VIDEO SA BAWAT LEVEL AY ISANG BESES LANG PWEDENG GAWIN. Kung ano ang video na na-submit ng player, yun na ang considered na entry ng player sa level na kanyang gagawin. HINDI PWEDENG UMULIT NG PAG SUBMIT NG VIDEO SA BAWAT LEVEL. Pwedeng mag submit ng isang diretsong video mula Basic Level hanggang Hyper Level. Pwede din ang paisa-isang submission ng video per level (Halimbawa: submit muna ng Basic Level video sa March 1, sunod na submission ng Super Level at Hyper Level video ay sa ibang buwan).

10. I-upload sa Youtube ang video ng Basic to Hyper Level tricks na iyong ginawa. I-attach sa registration sa ibaba ang Youtube video link ng iyong Basic to Hyper Level tricks. Pwedeng MAG SUBMIT O MAG REGISTER ng Basic to Hyper Level videos SIMULA FEBRUARY 8 HANGGANG JULY 31, 2021.

Basic to Hyper Level Trick List

Basic Level Tricks
(Maximum Score: 50 points)

1. Long Sleeper (at least 3 seconds)
2. Walk the Dog (at least 1 foot distance)
3. The Creeper
4. Forward Pass
5. Break Away
6. Rock the Baby (3x)
7. Elevator
8. Rocket (above the head)
9. Around the World (1x)
10. Loop the Loop (3x)

Super Level Tricks
(Maximum Score: 50 points)

1. UFO (both sides)
2. Tokyo Tower
3. Dog Bite
4. 3 Leaf Clover
5. Loop the Loop (10x)
6. Brain Twister (3x)
7. Moonsault (Trapeze)
8. Stop and Dash
9. Homerun
10. Loop the Loop (30x)

Hyper Level Tricks
(Maximum Score: 50 points)

1. Pinwheel (3x)
2. Magic
3. Double or Nothing
4. Side Winder (both sides)
5. Barrel Rolls (3x)
6. Moonsault Backflip
7. Split the Atom
8. Atomic Fire (3x)
9. Shoot the Moon (3x)
10. Double Loop (5x)

Basic to Hyper Level Tutorial

Compulsory Tricks Challenge Rules

1. Ang Compulsory Tricks Challenge ay open lang PARA SA MGA NAKA KUMPLETO NA NG BASIC TO HYPER LEVEL CHALLENGE.

2. Ang Compulsory Tricks ay maituturing na FOUNDATION TRICKS NG 1A, 2A, 3A, 4A at 5A. Optional ang pag sali sa Compulsory Tricks Challenge pero malaki ang maitutulong nito para matuto ng tricks sa bawat division o play style ng yoyo.

3. Kapag ang player ay FREESTYLE QUALIFIER na at sumali sa Compulsory Tricks Challenge, may matatanggap na BONUS POINTS sa Freestyle Challenge. Basahin ang detalye sa ibaba.

• Nag submit ng 1A COMPULSORY TRICKS video - 2 BONUS POINTS sa Final Score ng Freestyle para sa Single (1A) Division

• Nag submit ng 2A o 3A COMPULSORY TRICKS video - 2 BONUS POINTS sa Final Score ng Freestyle para sa Dual (2A / 3A) Division

• Nag submit ng 4A o 5A COMPULSORY TRICKS video - 2 BONUS POINTS sa Final Score ng Freestyle para sa Aerial (4A / 5A) Division

4. Wala nang point system sa Compulsory Tricks Challenge. Kailangan lang GAWIN NG TAMA ANG BAWAT TRICK sa video na isa-submit.

5. Iche-check ng judges kung maayos ang pagkakagawa ng Compulsory Tricks. KUNG ANONG DIVISION ANG GINAWAN NG COMPULSORY TRICKS VIDEO, yun lang ang division na magkakaroon ang player ng BONUS POINTS PARA SA FREESTYLE SA KAPAREHONG DIVISION.

6. PWEDE NA ANG EDITED O CUT VIDEO para sa Compulsory Tricks Challenge. Kailangan lang ay tama ang pagkakagawa sa bawat trick. Kailangan sundan ang video title format sa ibaba.

DIVISION COMPULSORY TRICKS - PLAYER NAME
(Halimbawa: 1A COMPULSORY TRICKS - SEITO HOJOIN)

7. Lahat ng sasali sa Compulsory Tricks Challenge ay may CHANCE MANALO NG YOYO SA GIVEAWAY.

8. ANG PAG REGISTER AT PAG SUBMIT NG VIDEO SA BAWAT COMPULSORY TRICKS AY ISANG BESES LANG PWEDENG GAWIN. Kung ano ang video na na-submit ng player, yun na ang considered na entry ng player sa Compulsory Tricks na kanyang gagawin.

9. I-upload sa Youtube ang video ng Compulsory Tricks na iyong ginawa. I-attach sa registration sa ibaba ang Youtube video link ng iyong Compulsory Tricks video. Pwedeng MAG SUBMIT O MAG REGISTER ng Compulsory Tricks videos HANGGANG JULY 31, 2021.

Compulsory Trick List

1A

1. Three-Seven
2. Kamikaze
3. Kwyjibo
4. Slack Trapeze
5. Spirit Bomb (Cheese Whip Mount)

2A

1. Crossover Loops
2. Milk the Cow
3. Behind the Back Cattle Crossing
4. Punching Bags
5. Vertical Punches

3A

1. Assisted Mach 5
2. Velvet Rolls
3. Blue Line Rolls
4. Kink Fu
5. Plastic Whip

4A

1. Leg Orbits
2. Sen Poppin
3. Rising Boingy
4. Three Whip Catches
5. Eiji Regen

5A

1. Windmill
2. 360-720
3. Beesting
4. Butterfly
5. Nunchuk Combo

Compulsory Tricks Tutorial

FREESTYLE QUALIFYING

1. Ang layunin ng Freestyle Challenge ay MAPAGANDA ANG PERFORMANCE EVALUATION ng mga player at MADISKUBRE ANG ORIHINAL O SARILING STYLE NG PAGLALARO ng isang player.

2. Ang mga player lang na nag submit ng video ng Basic to Hyper Level ang pwedeng sumali sa Freestyle Challenge.

3. Para maka sali sa Freestyle Challenge, KAILANGAN MAABOT NG PLAYER ANG QUALIFYING SCORE. Ang score ng bawat player ay naka depende sa kanyang na-submit na Basic, Super at Hyper Level tricks video. Tignan ang minimum qualifying score sa ibaba.

Minimum Qualifying Score - 90 POINTS (combined Basic, Super at Hyper Level score)

3. Mayroong tatlong (3) divisions sa Freestyle Challenge. Tignan ang mga ito sa ibaba.

SINGLE DIVISION - 1A (string tricks)
DUAL DIVISION - 2A / 3A (double looping / double string tricks)
AERIAL DIVISION - 4A / 5A (off-string / counterweight tricks)

4. Ang FREESTYLE CHALLENGE AY ROUTINE FOR 2 MINUTES. ANG DEADLINE SA PAG-SUBMIT NG FREESTYLE ENTRY AY SEPTEMBER 25, 2021.

5. Gaganapin ang Freestyle Challenge online live streaming sa OCTOBER 23, 2021.

FREESTYLE RULES

MUSIC GUIDELINES

• Ang music para sa Freestyle ay kinakailangang 2 minutes lang.
• Ang MUSIC AY DAPAT RATED "G" O APPROVED FOR GENERAL AUDIENCE. Mahigpit na ipatutupad na BAWAL ANG MUSIC NA MAY MURA, BASTOS, O MAY THEME NA KARAHASAN AT RACISM.
• Ipapaulit ng judges sa player ang submission kung may nalabag sa music guidelines.


VIDEO SHOOTING GUIDELINES

• Dapat ay PAHIGA O LANDSCAPE ORIENTATION ang video. Sundin ang 16:9 aspect ratio o format ng video.
• Kailangan isang buong shot lang ang pag gawa ng 2-minute routine. BAWAL ANG EDITED PARTS NG ROUTINE.
• Siguraduhing nakikita ang tricks at body movement sa pag gawa ng video.
• Magsuot ng dark-colored shirt para madaling makita ng judges ang tricks.
• Dapat magsimula ang routine na nasa kamay ng player ang yoyo.
• Ipapaulit ng judges sa player ang submission kung may nalabag sa video shooting guidelines.
VIDEO SUBMISSION GUIDELINES

• I-upload sa Youtube ang Freestyle video. DAPAT AY UNLISTED ANG VIDEO NG PLAYER.
• Sundan ang video title format sa ibaba.

DIVISION - PLAYER NAME
(Halimbawa: SINGLE DIVISION - SEITO HOJOIN)

• Lahat ng submitted videos ng players ay ia-upload sa Yotube channel ng Back2Basics YoYo Challenge PH.
• Kung may hindi nasunod sa music, video shooting o video submission guidelines, ipapaulit ang submission sa player hanggang sa deadline ng Freestyle video submission.
• Ia-announce ang deadline ng submission ng Freestyle video sa mga susunod na buwan.

FREESTYLE SCORING

TECHNICAL EXECUTION - 40%
-Positive Clicks
-Negative Clicks

1. Magkakaroon ng POSITIVE CLICKS/POINTS SA BAWAT TAMANG ELEMENT (sa trick o combo) na gagawin ng player. Magkakaroon ng NEGATIVE CLICKS/POINTS SA BAWAT SABLAY NA PAGKAKAGAWA SA TRICK O ELEMENT.

2. Ang ELEMENT AY PARTE NG TRICK O COMBO tulad ng string landing, whip, laceration, hook, loops, around the world, bind return, grind, regen, suicide element, horizontals, body wraps, orbits, aerial, tangler, stall, finger spin at marami pang iba.

3. Ginagamitan ng CLICKER PARA MABILANG ANG POSITIVE AT NEGATIVE POINTS. Para makuha ang clicker score, IBABAWAS ANG NEGATIVE POINTS SA POSITIVE POINTS na nagawa ng player.

4. Ang pinakamataas na TECHNICAL EXECUTION SCORE na pwedeng makuha ng isang player ay 40 POINTS. Ito ang bubuo sa 40% ng Freestyle Score ng player.

5. Ang layunin nito ay PARA MAPAGLAPIT ANG LEVEL NG PROFESSIONAL AT AMATEUR PLAYERS sa parte ng Technical Execution. Tignan ang sample scoring sa ibaba para maintindihan ang scoring system sa Technical Execution.
PERFORMANCE EVALUATION - 60%
-Overall assessment sa routine
-Criteria na bibigyan ng score from 0 (lowest) to 10 (highest)

1. CLEANLINESS AND FLOW - 20%
• Kontrolado ang galaw ng yoyo, string at body movement.
• Konti o walang test throw at sablay sa trick o combo.
• Hindi nahihinto ang momentum sa gitna ng pag gawa ng trick o combo.

2. CREATIVITY AND ORIGINALITY - 20%
• Kakaiba ang laro o style kumpara sa karamihan ng players.
• Walang kamukha o bihira makita ang style ng paglalaro.
• Gumagawa ng bago o sariling element, trick o combo.

3. MUSIC USE AND THEME - 10%
• Akma sa music ang character at routine ng player.
• Nagagamit ang music cues sa routine. Naisasabay ang galaw ng yoyo, string at katawan sa bilis o bagal ng music.

4. SHOWMANSHIP - 10%
• Nae-express ang theme ng routine sa camera o audience (Halimbawa: Kung masaya ang tema o music, masaya din ang galaw o tema ng routine).
• May interaction sa camera o audience.

PRIZES

LEVEL WINNERS

BASIC LEVEL CHAMPION


JUAN ARANETA
PHP 500
+
YOYO PRODUCTS


JESSICA NANGOI
$15.00

SUPER LEVEL CHAMPION


DON CONSUEGRA (PH)
PHP 500
+
YOYO PRODUCTS


HERMAN SETIYAWAN
(ID)

$10.00

HYPER LEVEL CHAMPION


BEN VALDEZ (PH)
PHP 500
+
YOYO PRODUCTS


HERMAN SETIYAWAN
(ID)

$10.00

OVER-ALL CHAMPION

(1st player to complete Basic to Hyper Level perfectly in one continuous video)

PHP 1,000
+
YOYO PRODUCTS

DIVISION WINNERS

SINGLE

PHP 1,000
+
YOYO PRODUCTS

DUAL

PHP 1,000
+
YOYO PRODUCTS

AERIAL

PHP 1,000
+
YOYO PRODUCTS

Registration

Basic to Hyper Level: February 8 - July 31, 2021
Freestyle: September 25, 2021

Contact Us at: philippineyoyocontest@gmail.com

Results

ORGANIZERS and JUDGES

...

Preslie Saraza

Organizer / Judge
Super YoYo Master (2005 and 2010)
Blazing Teens Demonstrator (2016)
2007 Philippine National 1A Champion
...

Kyle Capiral

Organizer / Judge
Super YoYo Master (2005 and 2010)
Yomega Singapore Demonstrator (2010)
Blazing Teens Demonstrator (2016)
12x Philippine National 2A Champion
...

Meejay Olaybar

Support Staff
Super YoYo Master (2010)
Blazing Teens Demonstrator (2016)
2016 Visayas Regional X-Div Champion
...

Kenneth Santiago

Web Designer
Blazing Teens Demonstrator (2016)
5x Philippine National 2A Top 2
...

Christian Magpayo

Graphic Artist
KRUNCH BRAND, Owner / Creative Art Director
Play On The String, Founder
Philippine National 1A Finalist

GOLD

SILVER

BRONZE